top of page
Pokwang.jpg

Basahin ang Bulgar na Christmas SEAG alphabet

Eddie M. Paez, Jr
Dec 3, 2019
3 min read

Mainit na ang bakbakan sa 2019 SEA Games at umuusok ang alagwang ginawa ng Pilipinas dahil sa 22 ginto sa unang araw na pinakinang ng 1-2 finish sa Triathlon at naka-5 ginto agad sa Dancesport.

Bagamat binabaha na ng mga balita tungkol sa SEAG ang telebisyon, radyo at pahayagan, marami pa rin ang hindi gaanong pamilyar sa mga isyu at lengguwahe na nakatali sa pangunahing sporting event sa bahaging ito ng Asya.

Bago pa uminit nang husto ang bakbakan sa mga sports venues at bilang gabay ng BULGAR sa mga inaapoy sa “SEA Games fever”, nakadetalye sa mga sumusunod na talata ang 2019 SEAG Alphabet:

A - Ito ang unang letra ng “bida” sa SEAG - - - ang mga Atleta! Ito rin ang letra ng sikat na performer (Apl.de.Ap) sa SEAG Opening rites noong Sabado.

B - Ang titik ng Bus na nasangkot sa banggaan habang sakay ang mga bisitang atleta papunta sa Philippine Arena para dumalo sa SEAG Opening rites.

K - Ang kikiam na naging kontrobersiyal dahil ito ang napagkamalan na inihain sa mga atleta sa loob ng isang hotel. Ito rin ang Kaldero o “cauldron” na nagkakahalaga ng P55M na sinindihan sa pormal pa pagsisimula ang palaro sa rehiyon.

D - “Dominasyon” na naglalarawan sa pamamayagpag na inasahan ng Pilipinas sa mga sports na Triathlon, Basketball at Dancesport.

E - Sumisimbolo sa Esports na unang lalaruin sa SEAG.

G - Gold! na pinupuntirya ng mga atleta.

H - Ang homecourt advantage na gustong samantalahin ng mga manlalaro ng Pilipinas.

I - Imbestigasyon ang naghihintay sa mga kinauukulan dahil sa umano’y pinagdududahang malaking gastusin para sa SEAG. Kasama na ang salitang “Iringan” sa pagitan ng organizers at mga kritiko.

L - Libre ang panonood sa ilang events para sa Pinoy sports fans.

M - Makasaysayang SEAG sa rehiyon dahil ito ang pinakaunang Indoor opening ceremony na idinaos.

N - Nagbabawal ang PNP sa pagpapalipad ng UAV/drones sa mga lugar na pinagdarausan ng kompetisyon, maraming No, no, no at may “no fly zone” o “no drone zone” pa.

NG - “Ngayon Na” ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Timog-Silangang Asya bilang hudyat ng pagsisimula ng SEAG.

O - para sa “Olrayt” dahil nangunguna na ang Pilipinas sa medal tally at napa-OMG pa ang lahat matapos masaksihan ang bonggang opening ceremony.

P - Press ang sinisisi at inakusahang pulos negatibo ang ibinabalita at napaulat na hindi pinapasok sa isang sports venue. Salitang “Proud” na naramdaman ng mga Pinoy nang makita ang pambungad na pagtatanghal at sa patuloy na paghakot ng gold medals.

R - “Resbak” matapos na makabawi ang mga oranizers sa naunang sabit at ngayon ay kumikinang na ang galing ng mga atleta.

S - Seryoso ang bansa sa muling pagsikwat ng overall title.

T - “Trapik” na naging malaking hamon sa mga tagapangasiwa ng SEAG nang maging abala para umasikaso sa mga dumating na atleta at mga opisyales.

U - “Ubos” matapos na patunayan ng mga atletang babae ang giting sa kanilang kampanya bukod sa kalalakihan.

V - Vape ban o ang e-cigarette na unang pinairal sa SEAG venues.

W - “Wow” sa makulay na opening ceremony sa Philippine Arena maging sa iba pang sporting venues na itinayo tulad ng New Clark City sa Capas Tarlac at iba pang SEAG venues.

X - “ekis” kung magpapatuloy ang iringan ng mga Pinoy ngayong tumatakbo na ang Palaro

Y - bukambibig ng mga millenials (“Yun Oh!”) kapag napabilib o natuwa sa magiging overall championship sa dulo ng Pilipinas. Mabuhay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page