Sepak takraw, gold; Gilas 3x3 nagwagi sa Indonesia

Nagtulong-tulong sina Deseree Autor, Josefina Maat, Sarah Jean Kalalo, Jean Marie Sucalit at Mary Ann Lopez para kunin ang gold medal sa women’s Hoop Event sa Sepak Takraw ng makakuha ito ng 670 points laban sa silver medalist na Indonesian team.
Nakuntento sa bronze medal si Avegail Rombaon ng tumapos ito sa oras na 1:48:54 sa Vietnamese opponents na nakuha ang 1-2 finish na sina Dinh Thi Nhu Qunh sa 1:36:43 at Ca Thi Thom sa 1:44:19.
Nabigo si Arianna Thea Dormitorio na makakuha ng medalya matapos lumapag lang sa 6th place.
Bumawi ang Gilas sa kanilang mabagal na panimula para magapi ang Indonesia, 21-17 sa men’s 3x3 basketball competition ng 30th 2019 Southeast Asian Games kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Nakalamang ang Indonesia, 3-0 sa umpisa ng laro bago nagsimulang uminit ang opensa ng mga Pinoy na pinamunuan ni Jason Perkins.
Maliban sa opening basket ng Gilas, si Perkins din ang nagpalamang sa koponan, 20-16, matapos umiskor ng tatlong sunod at tumapos na may 9 na puntos.
Kasunod nIya si CJ Perez na nagposte ng 8 puntos kabilang ang huling basket sa laro ng Gilas at Moa Tautuaa na may 3 puntos habang nag-ambag naman si Chris Newsome ng isang basket na bumasag sa naunang deadlock na 16-all. Sa women’s division, dinomina ng Gilas ang una nilang laban, 21-4 , kontra Myanmar. Nanguna si Clare Castro sa panalo sa itinala nitong 8 puntos kasunod si Janine Pontejos na may 6 na puntos. Tumapos si Afril Bernadino na may 4 na puntos at si Jack Animam na may 3 puntos.





Comments