SEAG: Mahigpit sa clear bag policy

Photo: 2019 Sea Games
Upang manatiling tahimik at hindi magulo ang lahat ng sporting events, nilinaw ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang tungkol sa Clear Bag policy ng mga manonood na daragsa sa game venues ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon sa komite, bawat tao ay limitado sa paggamit ng isang plastic, vinyl o PVC bag, isang uri ng transparent storage bag (na kasing laki lang one-gallon freezer bag, Ziploc bag o kaparehong uri ), isang maliit na strapless clutch na hindi lalaki sa 4.5" ang taas at 6.5" ang lapad.
Ang iba pang bags tulad ng backpacks, fanny packs, suitcases, purses o duffle bags ay hindi pinapayagan. Ang iba pang ipinagbabawal ay sandatang nakamamatay, matatalim na bagay, bote, cups at cans, pyrotechnic materials, stimulants, malalaking bagay, pets,malalaking banners at flags, flagpoles na lampas sa 1 metro, propaganda tulad ng ideological, racist, at xenophobic material, flammable objects, “possible projectiles” (sports equipment), maingay na items, laser pointers, video cameras, camera extenders tulad ng selfie sticks at tripods, drones pati pagkain at inumin. Susuriin lahat ng bitbit na dalahin at kukumpiskahin ang mga bawal na bagay sa pagpasok.





Comments