top of page
Pokwang.jpg

P-Duterte, maraming dapat ipatokhang 'pag naging PNP Chief

Pabs Hernandez III
Dec 2, 2019
2 min read

KUNG SI P-DUTERTE ANG MAGIGING PNP CHIEF, DAPAT IPATOKHANG NIYA ANG ‘BATMAN & ROBIN’ NG CALABARZON—Ayon kay P-Duterte, mas pipiliin niyang siya ang mamuno sa Pambansang Pulisya kung may bahid naman ng korupsiyon ang kanyang maitatalagang susunod na hepe ng PNP.

Aba, mainam ‘yan kung si P-Duterte ang magiging PNP chief, ipatokhang agad niya sina “Batman Morante” at “Robin Villareal” kasi ginagamit daw ng dalawang ito ang PNP para makakolekta ng intelihensiya sa mga ilegalista sa CALABARZON, period!

◘◘◘

HINDI LANG POGO ANG DAPAT BIGYAN NG ULTIMATUM NI P-DU­TER­TE KUNDI PATI ANG JUETENG LORD NA SI ‘ARIZA’—Sinabihan ni P-Duterte ang mga may-ari ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kawit, Cavite na huwag nilang niloloko sa buwis ang mga Pinoy. Dapat daw sa loob ng tatlong araw ay bayaran na nila ang kanilang pagkakautang sa tax dahil kung hindi ay may paglalagyan ang mga ito sa kanya.

Ang jueteng lord ng Cavite na si “Ariza”, kailan kaya bibigyan ng ultimatum ni P-Du­terte na itigil na nito ang kanyang jueteng sa lalawigan kasi hindi lang nito niloloko ang mga Pinoy kundi niraraket pa, boom!

◘◘◘

‘DAVAO GROUP’, GAMIT NI “ARIZA” KAYA TIKLOP SINA GOV. REMULLA, COL. SANTOS AT ANG MGA MIYEMBRO NG SANGGUNI­ANG PANLALAWIGAN —Mistulang legal na ang operasyon ng raket na jueteng ni “Ariza” kasi walang awtoridad na naglalakas-loob na hulihin ang kanyang mga kubrador sa Cavite.

Baka naman totoo ang ipinagyayabang ni “Ariza” na may konek siya sa “Davao Group” kaya atras ang “balls” nina Gov. Jonvic Remulla, PD Col. Marlon Santos at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na salakayin at ipatigil ang raket nito sa Cavite, buwisit!

◘◘◘

PAGBUBULGAR NG BULGAR, 28 TAON NA!—Ika-28 anibersaryo ngayon ng ating pahayagang BULGAR.

Sa ating mga suking mambabasa, mara­ming salamat po sa walang sawang pagsu­porta at umasa kayong patuloy ang pagbubul­gar ng BULGAR laban sa mga tiwali, manraraket at abusadong opisyal ng pamahalaan, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page