top of page
Pokwang.jpg

Opening ng SEA Games, nakaka-proud bilang Pinoy!

Bobi Tiglao
Dec 2, 2019
2 min read

Tinutukan ng mga Pinoy ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games noong Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Iba’t iba ang reaksiyon ng bawat isa, pero kagalakan ang ating naramdaman nang makita natin ang mga atleta habang iwinawagayway ang kanilang hawak na bandila ng Pilipinas.

Ayon sa mamamahayag na si Jay Sonza, “Noong sindihan ni Manny Pacquiao ang cauldron at magliyab ito, kasabay ng world-class fireworks, nanindig ang balahibo ko, sabay nangilid ang mga luha sa aking mga mata sa tuwa at kagalakan. We have built a monument, a work of art, and a remembrance of good governance.”

Mahusay ang mga organizer, napakagandang ideya na ang walong tanyag na atleta ng Pilipinas ang nagdala ng bandera ng Southeast Asian Games Federation (SAGF).

Nakakatuwa na sa kabila ng mga pambabatikos ng ilan, marami pa rin ang bilib na bilib sa opening ceremony ng SEA Games kung saan marami ang nagsabing, “Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Pilipino!”

Para sa atin, importante para sa ikauunlad ng bayan na ang bawat Pinoy ay ipinagmamalaki ang kanilang sariling lahi — na sa puso niya ay mayroon itong nasyonalismo.

Pero hindi lang sentimyento ang ibig sabihin ng nasyonalismo.

Hindi tayo uunlad bilang isang bayan kung palagi tayong may pagtatalo o pag-iiringan — kung ang mga oposisyon ay oposisyon dahil ayaw lamang ng mga ito sa pangulo.

Huwag tayong maging tulad ng dilawan na kahit itinututring ng karamihan na kahanga-hanga at matagumpay ang opening ceremony ng SEA Games ay pilit pa rin itong hinahanapan ng butas o kapintasan.

Kung gusto nating maging maunlad na bansa, simulan natin ang pag-appreciate sa magagandang gawain ng ating kapwa.

Imbes na maglaitan, suportahan na lang natin ang isa’t isa.

◘◘◘

BINABATI natin ang BULGAR at ang Pamilya Sison, lalo na si Mrs. Leonida, sa ika-28 anibersaryo ng pahayagang ito.

Napakalaki ng nagawa ng BULGAR sa pagbibigay ng impormasyon at komentaryo sa masang Pilipino.

Mabuhay ang BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page