Dagdag-presyo sa Gas
Gina Pleñago
Dec 2, 2019
1 min read

Asahan ang nagbabadyang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo. Sa pagtaya, posibleng tumaas ng 50 hanggang 60 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang nasa 20-30 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina.
Ang nakaambang dagdag-presyo ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments