top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot patay sa tren

  • Jeff Tumbado
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Napatay ang isang babae matapos mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways ang sinasakyan nilang kotse sa Biñan, Laguna.

Nakasakay sa Toyota Altis sina Joel Pablo, 28, at Mary Anne Valenzuela, 21, at patawid ng Halang Crossing ng PNR nang mabangga ng tren ang kanilang kotse.

Inabot ng pitong oras bago naialis sa sasakyan ang katawan ni Valenzuela subalit, idineklara itong deadon-arrival sa ospital habang si Pablo ay ginagamot sanhi ng mga sugat na tinamo.

“Hindi napansin siguro ng driver, nag-uusap siguro sila na approaching ito,” ani Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries sina Ryan Arias at Jay Constantino, mga operators ng tren.

Iginiit naman ni Operations Manager Joseline Geronimo na may cross keeper na naka-duty nangmangyari ang insidente pero pinilit umano ng mga biktima na tawirin ang riles kahit may warning signal na mula sa PNR train. Tiniyak ng pamunuan ng PNR na tutulungan ang pamilya ng mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page