Andres, edad 60, matibay pa at matatag sa 160-km ultra
- Nympha Ang
- Dec 2, 2019
- 3 min read

Ika nga sa quotation ni Mark Twain, “Age is an issue of mind over matter. If you don’t mind, it doesn’t matter.”
Kung marami sa senior citizens ang nag-aalala at dinadama ang katawan dahil sa kirot na nararamdaman, ang iba ay nananatiling aktibo, malusog at matalas.
Ibahin n’yo rin ang ating bida ngayon, sa edad 45 nagsimulang lumarga sa pagtakbo na edad 60 na ngayon na si Robinson Andres. Marso 2004 nang una siyang sumali sa marathon. “I started running in March 2004 at age 45. May 15 years na akong sumasali sa races. Long distance races and all in all I finished 36 Ultramarathons, 31 Ultra (road) marathons (from 50km to 160km) plus 5 Ultra (trail) marathons (50km only).” Sa mga fun run na 3-km, 5-km, 10-km, 16-km at long races na 32-km, 42-km, 50-km at 65-km ay 4x na akong Age Category Champion (50 & Above) at twice nang 5-km Champion,” excited na kuwento ng energetic ng binatang si Andres na taga-Antipolo City.
Take note, isa rin siyang freelance ballroom instructor bago pa man nahilig sa ultramarathon. Katunayan ay may 31 collected medals at 4 trophies sa 42km full marathon at naging 4 time Milo Grand finalist na siya. “During my college days, I was already a track and field varsity athlete and even played in regional meet (IRAA). Nu’ng minsan na niyaya ako sa 5km fun run, na-enjoy ko nang manalo ako sa age category at nag-top 10 pa. Una ko pang natakbo ang 42-km kaysa 21-km. Parang ‘di pa ako nakuntento ay sinubukan ko ang 50-km ultramary. Okay na sa akin ang may finisher shirt, medal at trophy kahit hindi manalo,” kuwento pa ng BSCommerce graduate at retired private employee.
Pakay na makapanalo pa sa age categories ang nais ni Andres, “Iyong race noong April 21, 2019, nag-2nd place overall ako from Lucban to Antipolo City (LA )104-km at may ilan na rin akong napagwagian. Sabi nga ng mga kabataan, inspirasyon daw nila ako, kahit 60-anyos na ay kaya pa ring tumakbo ng long distance races at manalo. Goal ko pa ang madagdagan ang trophies at medals collection ko.”
Kuwento pa ng softspoken na si Andres, “Nakatakbo na ako ng 31 Ultra Road marathons (50km to 160km) at limang 50km Ultra Trail marathons. Mahirap na masaya. Pero hindi ko ininda ‘yung hirap dahil alam kong may complete at proper training ako. Masaya kasi nariyan ang runningmates at friends ko na babati sa’yo ng congrats sa finish line. Nakakawala pa ng pagod at stress iyong pagbati sa’yo sa daan na, “Kaya mo ‘Yan” o “Go, go, go!”
Napatunayan pa ni Andres na matibay na ang kanyang endurance, “Iyong pinakamahaba kong Ultramarathon ay ang CALABARZON 160-km noong Enero 2019. LSD (long slow distance) ang preparation ko, once a week para matapos ko ang race nang walang problema. Kinumpleto ko rin ang static, dynamic stretching at main course para mas lalong tumibay ang katawan.”
Bomalabs din kay Andres na makaramdam ng anumang sakit, aniya, “Wala akong naramdaman na sakit ng katawan kapag tumatakbo dahil kumpleto ako sa training, walang injury, kahit may cramps kung minsan. Mahalaga kasi sa akin ang laging healthy at malakas.”
Bagamat sa labas ng bansa ay sinubukan na rin niyang tumakbo, “ Sa Singapore Marathon noong Dis. 2012 na-try ko na. Dream ko naman sa Hong Kong at Malaysia. Pero iba pa rin ang pagtakbo dito sa mga liblib na baryo ng ‘Pinas, walang traffic, masarap ang simoy ng hangin at walang polusyon.”
Kaya naman pinapayuhan ni Andres ang lahat ng older runner na, “Ipagpatuloy ang pagtakbo dahil yan ang magpapagaling sa kanilang nararamdaman sa katawan nila. Iyan ang pinakamagandang klase ng exercise kasabay ng pag-iwas sa masasamang bisyo. Kumain ng PIG (prutas isda at gulay).”
Nang tanungin kung sumagi na ba sa isip niya na tumigil na sa long distance races, “Wala pa sa isip ko dahil dito ako masaya, ito ang passion ko, ang tumakbo. Gusto kong ipakita sa mga kaedad ko na kaya ko pa ang ultramarathon. Wala sa edad iyan, walang bata at matanda sa pagtakbo. Kung may gusto kang gawin lalo na kung passion mo ay go for It. Believe in yourself and have faith in God. There is no young and old in running because age is just a number. Start running now and be happy.”





Comments