top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 na estudyante nag-vandal sa LRT, arestado

Mylene Alfonso
Dec 2, 2019
1 min read

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang apat na miyembro ng Panday Sining na inaresto ng Manila Police District sa Plaza del Carmen St., sa harap ng San Sebastian Church.

Kasong malicious mischief, anti-vandalism, resisting arrest at interfering police duties ang isasampa laban kina Jeanne Vaughn Nico Quijano, 24; Joven Francis Laura, 24, post graduate student ng Dela Salle University; Mikhail Collado, 18, 4th year college student ng St. Benilde at isang 17-anyos na Grade 12 student ng Pamantasang Lungsod ng Valenzuela, nakatira ang apat na suspek sa Sampaloc, Manila. Una rito, dinakip ang apat ng mga tauhan ng District Intelligence Division ng Manila Police District, nang mahuli sa aktong nagbavandalized sa mga poste ng Light Rail Transit sa Recto Avenue, alas-5:00 ng hapon.

Ang aktibidad ng mga ralista ay bahagi ng paggunita ng militanteng grupo sa ika156 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio, kamakalawa. Matatandaang, naging kontrobersiyal ang Panday Sining matapos ibandalismo ang Lagusnilad Underpass sa Manila City Hall na labis na ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan nagbanta pa na padidilaan sa kanila upang mabura ang kanilang bandalismo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page