Tongpats, Hulidap, Ninja Cops noon, Rapist Cop ngayon!
CAYETANO, ‘TATABLAHIN’ NI P-DUTERTE? — Sa isang panayam, iniutos ni P-Duterte ang imbestigasyon sa mga kapalpakan at korupsiyon sa SEA Games at ang direktiba niya, pati ang kaalyado niyang si Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ay dapat imbestigahan.
Aba, teka, noong una, nilinis na agad ni P-Duterte si Cayetano sa isyu ng korupsiyon sa SEA Games, pero ngayon, iba na ang tono niya.
Tila may natuklasan na si P-Duterte na kabalbalang ginawa ni Cayetano sa pondo ng SEA Games kaya pati ito ay pinaiimbestigahan na rin niya, boom!
◘◘◘
SEA GAMES AT MGA ATLETANG PINOY, SUPORTADO NG PUBLIKO — Parang engot ang mga opisyal ng gobyerno, artista at sports personalities na nananawagan sa publiko na tigilan na ang pambabatikos at suportahan na lang daw ang SEA Games at ang mga atletang Pinoy.
Sa totoo lang, suportado ng mga Pinoy ang SEA Games at ang mga kababayan nating atleta, pero ang hindi lang sinusuportahan ay ang kapalpakan at ang mga nabalitang korupsiyon sa event na ito, period!
◘◘◘
TYPHOON KAMMURI, BAKA PAGBINTANGANG ‘DILAWAN’ — Ayon sa PAGASA, kabilang daw sa mga maaapektuhan ng Typhoon Kammuri (Tisoy) kapag nanalasa na ito ay ilan sa mga lugar na pinagdarausan ng SEA Games.
Naku, dahil turete na si Cayetano sa mga natatanggap na batikos, baka pati ang bagyo ay pagbintangan niyang “dilawan” na mananabotahe sa SEA Games kasi sa dami ng mga lugar sa bansa, eh, ang tutumbukin pa nito ay mga venue na pinaglalaruan ng mga atleta, joke-joke-joke!
◘◘◘
SA PNP, MAY ‘TONGPATS COPS’, ‘HULIDAP COPS’, ‘NINJA COPS’ AT MERON NA RING ‘RAPIST COP’ — Ipinahuli ni P/Maj. Alejandro Onquit, hepe ng Atimonan Police Station sa Quezon Province ang tauhan niyang si P/Sgt. Romulo Carpio dahil sa panggagahasa sa isang babaeng preso.
Hay, naku! ‘Anyare sa kapulisan? May “Tongpats Cops” at “Hulidap Cops” na, may “Ninja Cops” pa, tapos ngayon, meron pang “Rapist Cop”, buwisit!





Comments