top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Multang P25K at tanggal-lisensiya sa tindahang hindi magbibigay ng tamang sukli

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Dec 1, 2019
  • 3 min read

Ang mga mamimili ay mayroong karapatang makuha ang tamang sukli at malaman kung magkano talaga ang presyo ng kanyang binibili. Maliit man ang halaga ng hindi naibigay na sukli, sinasalamin nito ang kawalang-katapatan ng tao.

Upang mapangalagaan ang mga mamimili laban sa mga mapang-abusong nagbebenta na hindi nagbibigay ng sukli o tamang sukli, ipinasa ng mambabatas ang Republic Act (R.A.) No. 10909 o mas kilala sa titulong “No Shortchanging Act of 2016”. Sa Section 2 ng nabanggit na batas, nakasaad ang mga sumusunod:

“Sec. 2. Declaration of Policy. - It is the policy of the State to protect the interest and promote the general welfare of the consumer as well as establish standards of conduct for business and industry. Towards this end, the State shall implement measures to achieve the following objectives:

(a) Protection of consumers against deceptive, unfair and unconscionable sales acts and practices;

(b) Institutionalization of the industry practice of giving exact change to consumers of goods and services;

xxx”

Makikita rito ang hangarin ng estado na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang kapakanan ng mga mamimili at gawing kagawian ng mga negosyante na maging matapat sa mga mamimili.

Responsibilidad nilang ibigay ang sukli o tamang sukli sa mga mamimili.

Ang mamimili na hindi nabibigyan ng sapat na sukli ay maaaring maghain ng kanyang pormal na reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) sa loob ng hindi hihigit sa sampung (10) working days matapos mangyari ang paglabag, alinsunod sa Section 5 ng nasabing batas kung saan nakasaad na:

“SEC. 5. Procedures in Filing a Complaint. - (a) The consumer shall write and submit a letter of complaint to the Department of Trade and Industry (DTI) not later than ten (10) working days after a violation has been committed.

(b) The DTI shall, in not more than ten (10) working days after the complaint has been submitted, conduct an investigation, and shall issue a notice to the establishment involved.

(c) After a full investigation shall have been made by the DTI, it shall issue its decision and findings not later than thirty (30) days from the receipt of the complaint.

(d) Nothing herein shall be construed to limit or impair the rights and remedies of a consumer under any other law.”

Ayon sa Section 6 ng R.A. No. 10909, ang anumang establisimyento na matapos mapatunayan ng DTI na hindi nagbibigay ng sukli o tamang halaga ng sukli ay maaaring maparusahan tulad ng mga sumusunod:

1) Para sa unang paglabag; pagbabayad ng multa na P500 o 3% ng kabuuan ng kanyang benta ng araw na siya ay nagkaroon ng paglabag, alinman dito ang mas mataas;

2) Para sa pangalawang paglabag; pagbabayad ng multa na P5, 000 o 5% ng kabuuan ng benta sa araw na nagkaroon siya ng paglabag, alinman dito ang mas mataas;

3) Para sa pangatlong paglabag; pagbabayad ng multa na P15,000 o 7% ng kabuuan ng benta sa araw ng kanyang paglabag, alinman dito ang mas mataas bukod sa ang lisensiya nito para makapagnegosyo ay sususpendihin sa loob ng tatlong buwan;

4) Para sa pang-apat na paglabag; pagbabayad ng multa na P25, 000 o 10% ng kabuuan ng benta sa araw na siya ay lumabag, alinman dito ang mas mataas. Maliban sa pagbabayad ng multa, ang kanyang lisensiya para makapagnegosyo ay ipawawalambisa.

Bilang karagdagan sa multa na babayaran ng establisimyento, ibabalik din nito sa mamimiling nagrereklamo ang kabuuang halaga ng sukling hindi nito ibinigay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page