top of page

Kaalaman tungkol sa raspa

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Dec 1, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Halos tatlong buwang buntis ang partner ko nang makunan siya. Itinakbo ko siya sa ospital nang duguin siya at pagkatapos ay niraspa siya ng doktor. Para saan ba ang procedure na ito? — Andy

Sagot Ang raspa o dilation and curettage (D&C) ay pamamaraan na isinasagawa upang makakuha ng maliit na bahagi ng laman mula sa loob ng matris. Isinasagawa ito ng mga doktor upang matukoy at magamot ang ilang kondisyon sa matris tulad ng sobrang pagdudrugo o kaya naman ay malinis ang loob ng matris pagkatapos malaglag ang ipinagbubuntis.

Ginagamitan ito ng instrument na kung tawagin ay curette na maaaring may talim sa dulo o panghigop (suction).

Ang pagraraspa ay maaaring isagawa sa kababaihan na dumaranas ng kondisyon sa kanyang matris. Maaaring irekomenda ng doktor ang pagpaparaspa kung mayroong abnormal na pagdurugo sa matris, kung dumaranas ng pagdurugo kahit lumipas na ang menopause o kung natukoy ang pagkakaroon ng mga bukol na maaaring may kaugnayan sa cervical cancer. Isinasagawa ang pagraraspa upang maiwasan ang impeksiyon at patuloy na pagdurugo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page