Ipapalit kay VP Leni sa drug war.. “Nadala na ‘ko” — P-Digong

“Nadala na ako”. Ito na lamang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Dutert nang matanong ito kung mayroon pa ba siyang plano na magtalaga ng kapalit ni Vice-President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs.
Ayon sa pangulo, ‘cliché’ na umano kung maituturing ang posisyon at wala na siyang balak pang magtalaga para rito. Kaugnay nito, muli ring nabanggit ni Pangulong Duterte na nagsisi siya sa pagtatalaga sa bise-presidente bilang anti-drug czar.
Hindi aniya talaga maaari dahil masyado itong maingay.
“I fired her in my mind. Noon pa, first day pa lang nu’ng sabi niyang punta siya sa U.S. Embassy,” wika pa ni Pangulong Duterte.





Comments