top of page
Pokwang.jpg

U.S todo-kampi sa Hong Kong, reresbakan ng China

Ka Ambo
Nov 30, 2019
1 min read

Suportado ng U.S. government ang pro-democracy protest sa Hong Kong.

Masakit na ‘left hook’ ito sa China!

◘◘◘

TINIYAK ng China na reresbakan nila ang Amerika.

Ito ang aktuwal na giyera-mundial!

◘◘◘

SINIBAK na si VP Leni bilang anti-drug czar.

A-czar, talo!

◘◘◘

TULOY pa rin ang giyera ng Turkey at Syria.

Maaaring maging grabe ito!

◘◘◘

LUMALALA ang sitwasyon sa Iran.

Isa ring posibleng ugat ito ng digmaang pandaigdig!

◘◘◘

INAAREGLO ni U.S. President Donald Trump ang Taliban para sa kapayapaan sa Afghanistan.

Sino ba ang nanggulo sa mga Afghans?

◘◘◘

DELIKADONG tamaan ng asteroid ang Pilipinas.

Ayon sa asteroid collector na si Abe Catiis ng Balagtas, Bulacan — milyun-milyon dolyar ang halaga ng isang dakot na asteroid.

May lihim na nagdarasal na bumagsak sa bahay nila ang naturang asteroid!

◘◘◘

INARESTO ang spokesman ng CPP-NPA habang nagpapagamot sa ospital.

Akala ko inaresto, habang tumataya sa jueteng!

◘◘◘

PALOLOBOHIN daw sa P12 K ang pensiyon ng mga senior citizens.

Pinaaasa lang sila sa wala!

◘◘◘

IBINABALA ang pagdating ng Bagyong Tisoy sa Central Luzon.

Baka lalahok sa SEA Games?

◘◘◘

BIYAYA ng Diyos kapag nagbag­sak ng ulan sa Gitnang Luzon si 'Tisoy'.

Makarerekober ang Angat Dam.

Magiging swimming pool din ang New Clark City!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page