top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Suki na estudyante kumanta.. Titser na tulak, arestado

Jeff Tumbado
Nov 30, 2019
1 min read

Natimbog ng pulisya ang 40-anyos na guro matapos itong magbenta ng shabu sa ikinasang drug-bust operation sa Dalaguete, Cebu.

Kinilala ang suspek na titser na si Roy Ysao, ng Bgy. Poblacion at nagtuturo sa Dalaguete National High School.

Si Ysao ay dinakip ng mga operatiba ng Municipal Station Drug Enforcement Group pasado alas-9:00 kahapon ng umaga, sa tapat mismo ng nabanggit na paaralan.

Narekober ng pulisya mula sa posesyon ng suspek ang sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2,000.

Ayon kay Police Sergeant Bricel Ricaborda, matagal nang isinailalim sa surveillance ang guro bago nadakip ito. Nag-ugat ang operasyon laban kay Ysao nang ituro siya ng isang naarestong lalaki na estudyante na sa kanya nagmumula ang iniiskor nitong shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page