Shanghai noon, Jebel Ali pinapaboran sa WTA

Aalagwa ngayong hapon ang karera na tatahak sa 400 meters na paglalabanan ng mga 2 year old maiden race at condition race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Bibitiwan ang dalawang Winner Take All (WTA) at Pick 5 at tig-isang Pick 6 at Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na tatayaan. Sisikad sa ganap na 3 p.m. ang Race 1, kasabay ng 1st WTA ay pinapaboran na mananakbo ang Greatest Joy, Sacred Syndicate at Sinag.
Sa Race 2, ipinapatok ang Ava’s Dream may tsamba ang Pax Britannica. Magsisimula ang 2nd WTA sa Race 3 paglalabanan ng mga kalahok na No Regret, Prime Danseur, Case Bell at Miss Marshall. Sa Race 4, pinapaboran ang Shanghai Noon at may tsamba ang Boni Avenue, Spunk Attack, Sizzling Hot at Facing Dixie kasabay ng panimula ng 1st Pick 5.
Nakalalamang ang Song for Tata at makakalaban ang Lirpa’s Choice, isama ang Dabarkads simula ng Pick 6 sa Race 5. Sa Race 6 ang panimula ng 2nd Pick 5, nakalalamang ang Jebel Ali at makakalaban ang Kingdom.
Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 7 nakalalamang ang Oasis at makakalaban ang Peter Pride.
Balikatan ang laban ng Truly Ponti at Box Office sa Race 8, habang ipinapatok sa Race 9 ang Adorable Felicia at makakalaban ang The Patriot.
Sa Race 10 magkakalaban ang couple entry na Murika at Full Steam at Lemonada na paratingan ng 2nd WTA, Pick 5 at Pick 6 at Pick 4.





Comments