top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Men’s Beach Volley, namulbos; Bronze, agawan ang PHL-Malaysia

  • Gerard Arce
  • Nov 30, 2019
  • 2 min read

Maagang nagpasikat ang dalawang koponan ng National Men’s Beach Volleyball Team ng kumamada ito ng kambal na panalo sa pagsisimula ng kanilang torneo sa 30th Southeast Asian Games sa Subic Tennis Court kahapon.

Pinulbos ng samahan nina James Buytrago at Jaron Requinton gayundin ang duo nina Jude Garcia at Edmar Bonono ang koponan ng Timor Leste, 2-0, upang makauna na sa mga koponan nagbabakbakan.

Naunang tinalo nina Buytrago at Requinton ang tambalang Robson Xavier at Christian Jean sa iskor na 21-13, 21-16, habang sunod na nagpakita ng gilas sina Garcia at Bonono laban Silvano Aduauo at Denyanos Belo, 21-7-21-16.

“Kayang-kaya nila iyong layuan,” wika ni National coach Paul Jan Doloiras sa panayam ng BULGAR sa messenger. “Pero mas crucial iyong magiging laro nila du’n sa Malaysia. ‘Dun malalaman kung makakapasok ang men’s or hindi sa medal rounds, “ dagdag ni Doloiras na siyang punong nagmamando sa women’s Beach Volleyball Team.

Sunod na makakalaban ng Men’s team ang koponan ng Malaysia, na tinalo ng Indonesia sa iskor na 21-8, 21-15, sa Linggo, Dis. 1 sa 5:30 p.m.

Samantala, nauwi sa tabla ang tapatan ng women’s Philippine at Malaysian team sa 4-4 iskor matapos ang tatlong period sa preliminary rounds ng Floorball event sa UP College of Human Kinetics Gymnasium sa Q.C. Pinamunuan ni Roxanne Ruiz ang atake ng National women’s team sa pagpukol nito ng 2 goals sa 49:19 minute at ang importante ng panablang 57:58 na goal kasama ang isang assist. Hinirang si Michelle Cruzado bilang best player na kumana rin ng isang goal sa 50:26 sa 3rd period.

Naging matindi ang pagnanais ng dalawang koponan na magwagi nang maka-ilang beses nakalamang ng Malaysia sa 3rd period, ngunit hindi sumuko ang Pinay Floorballers na sa tuwing nakakapuntos ang Malaysian squad ay itinatabla nila ito.

Dahil sa draw ng teams ay muling magtatapat ang mga ito sa Linggo para sa battle for bronze medal habang mag-aagawan sa gold medal ang Singapore at Thailand. Kung sakaling nagwagi ang Pilipinas ngayong araw ay nakasisiguro na sana sila ng tansong medalya. “I guess the system they are doing is the same. We have the flexibility, magulo po sila eh, kase minsan slow play kami, minsan fast play, alam namin kung sino best player nila kaya alam na namin kung sino ang babantayan namin, “ wika ni Rivera. “By Sunday we are all 100%, we’ll make sure that bronze will be at home, “ dagdag ni Rivera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page