top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Immigration, todo-higpit sa mga biyaheng Dubai

Madel Moratillo
Nov 30, 2019
1 min read

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration na mas maghihigpit na sila sa screening ng mga Pinoy na bibiyahe patungong Dubai.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay matapos silang alertuhin ng Department of Foreign Affairs na ginagamit ng mga sindikato ng human trafficking ang Dubai bilang transit point para ilegal na makapag-deploy ng overseas Filipino workers patungong Iraq.

Matatandaang, may umiiral na deployment ban ng mga OFW patungo sa Iraq.

Batay sa ulat, may kumakalat umanong online advertisement hinggil sa mga bagong bukas na trabaho sa Iraq at iginigiit na tinanggal na umano ang deployment ban.

Kaya paalala ni Morente sa mga tauhan ng BI, magdoble-bantay sa pag-clear sa mga Pinoy na ang biyahe ay patungong Dubai lalo na ang mga umaalis bilang turista at tiyaking wala silang ibang pupuntahan pang bansa.

May ilang pangalan ding ipinamo-monitor ang BI ng mga OFW na ilegal umanong nag-recruit para magtrabaho bilang waiter sa Baghdad.

Maliban sa Dubai, nabatid na ilan din umano sa ginagamit na transit point ng mga Pinoy patungong Iraq ay sa Bangkok at Kuala Lumpur.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page