top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Driver pinagselosan, pinagsasaksak.. Misis rumesbak, mister pinagbabaril, patay

Janice Baricuatro
Nov 30, 2019
1 min read

Napatay ng isang ginang ang kanyang kinakasama matapos nitong pagbabarilin dahil nauna nang pinagsasaksak umano nito ang kanilang driver, kahapon ng umaga sa Bgy. Malagasang Imus, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Roderick Linazan, 40, residente ng Bgy. Malagasang 1F, habang kritikal si Rolly Ayob, 32, ng Bgy. San Nicolas 3, Bacoor City, driver ng misis na suspek na si Mary Car Canete, 34, businesswoman.

Batay sa ulat, alas-10:10 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa kung saan naabutan umano ng mister ang kanyang misis kasama ang driver nito.

Matinding selos umano ang naramdaman nito kaya kinompronta ang nasabing driver hanggang sa mauwi sa matinding argumento.

Nakakuha ng patalim ang mister at dito inundayan ng saksak ang driver. Sa puntong ito, kinuha ni misis ang kanyang baril sa loob ng kanyang bag at pinagbabaril ang kanyang mister.

Ayon sa ginang, nataranta na umano siya ng mga oras na iyon kaya nagawa niyang mabaril ang mister.

Narekober sa lugar ng insidente ang.45 colt caliber, 5 bala, magazine, 1 empty shell at kitchen knife.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page