Striegl at Catalan, first time babanat sa Sambo-SEAG
- Gerard Arce
- Nov 29, 2019
- 1 min read

Bago man sa pandinig ng mga Filipino, hindi padadaig ang buong koponan ng National Sambo na maipamalas ng kanilang angking kakayanan, lakas at determinasyon sa darating na 30th Southeast Asian Games lalo pa’t mapapalaban sila sa world class athletes.
Sasabak sa unang pagkakataon sa biennial meet ang Sambo Team sa pangunguna nina Universal Reality Combat Challenge featherweight champion Mark Edward Striegl na makikipambuno sa men’s combat under 74kgs, ONE Championship straw weight contender at dating wushu artists Rene Catalan sa men’s combat under 57kgs.
Optimistiko si Pilipinas Sambo Federation Inc. secretary-general Paolo Tancontian na kaya nilang makapag-ambag ng 4-5 gold medals sa pagsambulat ng SEAG.
Ayon kay Tancontian, na dati ring miyembro ng National Judo Team, malaki ang pag-asa ng kanilang koponan na makapagbahagi ng mga medalya sa biennial meet dahil sa matinding paghahanda at pag-eensayo ng National team members.“Malaki po ang laban natin sa SEA Games. I think kaya natin mag-overall,” pahayag kahapon ni Tancontian sa 50th TOPS Usapang Sports sa National Press Club kasama si coach Ace Larida. “We’re very lucky that we’ve given a chance by the Philippine Sports Commission (PSC) and Philippine Olympic Committee (POC) na maaprobahan ang accreditation namin para sa SEA Games,” dagdag nito.





Comments