top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Sinag mula sa langit na tumama sa mukha, biglaang suwerte ang hatid

  • Socrates Magnus
  • Nov 29, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lei ng Lei_ Desales@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip na may liwanag mula sa langit, tapos tumama sa mukha ko? Tatlong beses ko nang napananaginipan ‘yun. Sana ay masagot n’yo ito. Salamat!

Naghihintay, Lei

Sa iyo Lei, Ang liwanag mula sa langit na tumama sa mukha mo ay ang sinag ng hindi nakikitang mga bituin na kadalasan, ang mga sinag na ito ay sinag na may positibong kahulugan.

Halimbawa, kakaibang sigla ang iyong madarama na magagamit mo sa pagpapaganda ng buhay mo. May pagkakataon na ito ay sinag ng mga biglaang suwerte tulad ng pananalo sa pakikipagsapalaran sa mga sugal.

Minsan, ito ay sinag na nagbibigay ng liwanag. Ito ay liwanag ng kaisipan na kailangan ng tao kapag siya ay tinatalo ng negatibong pananaw kung saan siya ay tila nawawalan na ng pag-asa.

Gayundin, minsan, ang sinag na ito ay makapangyarihang sinag na may kakayahang muling buksan ang puso ng taong ayaw nang magmahal.

May pagkakataon na ito ay sinag ng kagalingan para sa taong matagal nang pinahihirapan ng sakit o karamdaman.

Para sa iyo, ipinapayo na magsimba o mag-alay ka ng mga panalangin sa iyong kinikilalang Diyos.

Ayon sa iyong panaginip, ang mga sinag ay mula sa langit at kapag sinabing “mula sa langit”, ito ay tumutukoy sa Dakilang Manlilikha.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page