top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mr. Solon, naimbiyerna nang tanungin sa ambisyon sa 2022, nambara ng reporter

Pasaway Spotted
Nov 29, 2019
2 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Minsan, kahit anong pagtanggi natin, nahahalata pa rin ang katotohanan. Nakikita ng tao sa iyong ginagawa kahit hindi ka magsalita. ‘Ika nga, “action speaks louder than words.”

Isang mambabatas ang hindi nakapagtimpi at nambara ng reporter na nagtanong sa kanya tungkol sa kanyang ambisyon na kumandidato sa 2022.

Mayroon kasing programa ang mambabatas na kahit noong hindi pa siya nananalo ay kanya nang ipinupursige. ‘Pet project,’ kumbaga, gusto niyang maitatak na siya ang utak ng programa kahit ang gobyerno ang nagpopondo.

Para maging matibay ang kanyang pet project, isinulong niya sa Kongreso na gawing obligado o mandatory ang pagbuo ng programa sa mga institusyon na pinangangasiwaan ng gobyerno. Ginapang umano nang husto sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para makalusot ito. Nagtagumpay naman si Mr. Solon dahil mabilis na nakalusot ang kanyang pet project, na sa paniniwala ng ilan ay maaaring magamit bilang political tool. Iba talaga ang lakas!

Kaya naman, hindi maialis sa malikot na pag-iisip ng mga mamamahayag na magtanong, “paghahanda na ba ito sa 2022?”

Pero sa halip na sagutin nang direkta kung totoo o hindi, nagtaray si Mr. Solon sa reporter. Aba, mukhang guilty?! Normal lang na matanong ang mambabatas kung may balak siya sa national elections dahil sa tindi ng effort nito na magpapogi!

Kahit isa na siyang mataas na opisyal ngayon, gustung-gusto pa rin niyang pumunta sa mga biktima ng sakuna. Oh, huwag nating pagdudahan na maaga siyang nangangampanya, ha? Hindi pa naman niya iniaanunsiyo na tatakbo siyang pangulo o sa ibang posisyon, ‘di ba? Huwag muna tayong advanced mag-isip at baka matarayan din tayo.

Malay naman natin kung tunay na may malasakit siya sa kapwa.

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page