top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May bitbit na 2 baril.. Lalaki, tiklo sa checkpoint

Maeng Santos
Nov 29, 2019
1 min read

Timbog ang 46-anyos na lalaki matapos makuhanan ng dalawang baril sa checkpoint sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Champion Allan Castro, ng R-10, Bgy. NBBN.

Sa report ni Col. Balasabas kay Nothern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, alas-10:45 ng umaga, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng PCP-2 sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas sa M. Naval St. corner Raja Humabon St., Bgy. Daanghari nang parahin ni PCpl. Shyrwen Veñegas ang suspek na sakay ng motorsiklo subalit, wala itong naipakitang lisensiya.

Napansin din ng pulis ang nakausling puluhan ng baril sa baywang ng suspek at nang hanapan ito ng lisensiya at permit-to-carry ay wala ring naipakita dahilan upang arestuhin ito.

Nang suriin ang kanyang bag, nakakita ang mga pulis ng isa pang baril at narekober sa suspek ang cal. Colt .45 na kargado ng bala at magazines na kargado ng 7 bala at cal. 9mm na kargado rin ng bala, dalawang magazines na kargado ng 12 bala at isa pang magazine na kargado ng 9 na bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page