top of page
Pokwang.jpg

Lockdown vs. Courageous

Ding Taboy
Nov 29, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw ngayong gabi ang 7 karerang magaganap sa Metro Manila Turf Club Inc.sa Malvar, Batangas. Tiyak magkakadehaduhan sa line-up ng mga kalahok kasabay ng Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Magaganap ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng mga kalahok sa condition Race 22, Group Race 9 , Condition Race 17, 3 year old Maiden Race, Group Race 10, Condition Race 20 at Group Race 11 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta ay Super 6.

Sa Race 1, magsisimula ang WTA kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta paglalabanan ng mga kalahok na Kid Kenshin, Happy Wego at Bungangera. Sa Race 2 kasabay ng Pick 6, higit na pinapaboran ang Lockdown habang mahigpit na makakalaban ang courageous simula ng Pick 6.

Sa Race 3 sa panimula ng Pick 5 magkakalaban ang Golden Buzzer at Yes All Wee na paglalabanan ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 4 nakalalamang ang Victorious Run laban sa Couple entry na Heneral Kalentong at Maysilo.

Sa Race 5 ipinapatok ang Mount Pulag, panegundo ang Summer Cruise at Johnny Be Good. Sa Race 6, nakasisiguro ang Coastal Road habang may tsamba ang Ravel at Boy Sofmeadows.

Nakalalamang ang Gintong Lawin habang makakalaban ang Cleave Ridge at Honeywersmypans baka makatsamba sa Race 7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page