Labadan, pangarap ang SEA Games at Olympics

Nakatutok nang todo sa ensayo ang teenage-wonder gymnasts na si Breanna Labadan upang balang-araw ay matupad ang pangarap nitong makapaglaro sa Southeast Asian Games, o higit pa sa Olympics.
Ang 13-anyos na tubong Butuan City na si Labadan ay nakakitaan na ng malaking potensiyal noon ito’y bata pa lang na darating ang panahon na magtatagumpay ito sa larangan ng sports na Rhythmic Gymnastics.
Nito lang Nobyembre ay 3 gold medal na ang inuwi niya sa pagtungtong sa European stints nang kunin ang junior Individual All-Around titles mula sa Hungary at Denmark. Ibinulsa ng dating St. Scholastica’s College student ang titulo sa 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnasts meet at RG Friends Masters Gymnastics meet 2019. Nakamit din ang tansong medalya sa Royal Crown Gymnastics sa Greece noong Mayo.
Ang patuloy na pagningning ng teen-gymnasts’ sa pandaigdigang kumpetisyon ay binitbit nito hanggang sa multi-national event na Palarong Pambansa nang hakutin ang 5 gold medals noong 2018 Vigan Games nang katawanin ang NCR para kunin ang All-Around rope, ball apparatus at club apparatus. Sa ngayon ay hindi na sasabak pa si Labadan sa Palaro dahil miyembro na ito ng National Training Pool ng PHL Gymnastics team. “Nahirapan din po ako dahil sa pagod sa training kaya minsan din po hindi na ako nakakapag-focus ng maayos. Kaya ibinabawi ko na lang po siya sa tulog para po may energy ako pagkagising ko,” wika ni Labadan sa weekly TOPS 50th Usapang Sports sa National Press Club sa Maynila.





Comments