Kaya raw hindi kayang balewalain ang hip hop at rap artist… John Rendez, handang mamatay para kay No

Sa tsikahan-cum bonding namin with hip hop and rap artist na si John Rendez ay natanong itey ni yours truly kung puwede niyang ipaglaban nang patayan ang tumatayong showbiz manager niya ngayon na si Nora Aunor.
Kasi there was a time, or some years back, na nasabi ni Ate Guy ang something to this effect…”Ate Mercy, hindi ko puwedeng balewalain si John kasi siya lang ang tanging lalaki na handa akong ipaglaban nang patayan.”
Kasi at that time, may tumutok ng baril kay Ate Guy sa pintuan ng kanyang inuupahang bahay at dito biglang hinarang ni John ang kanyang katawan ke mereseng siya na lang ang tamaan ng bala if ever na paputukin nga ang baril.
O, ayan, ha? Intiendes na you kung bakit ganu’n na lang ang pagmamalasakit ng ating Superstar kay John Rendez, na tipong swak sa saying na…“Pagmamalasakit begets pagmamalasakit!”
Boom, ganern! At kaya na-identified si John Rendez kay Ate Guy simula noon for 29 years or almost 30 na now.
K, mabalik tayo sa tsikahan namin with John Rendez at sa tanong kung kaya nga niyang ipaglaban nang patayan ang nag-iisang Superstar ng bansang ‘Pinas.
“Oo naman. Puwede ko siyang ipaglaban nang patayan kahit kanino. Anytime,” sey niya with matching Broadway smile na tipong komportableng-komportableng kakulitan si yours truly.
Siyempre naman, ‘coz iba na ang may pinagsamahan at mahaba-habang kuwentuhan ‘pag light ang kasama ni San Mig. Charrr and no charrrr! Insert smiley, J!
Kabilang nga pala si John Rendez sa mga nominado sa darating na 11th PMPC Star Awards for Music bilang Folk/Country Recording of the Year at malapit na ring i-release ang panibago niyang single titled Think About It under Star Music. At bukod sa pagpo-promote ng kanyang bagong single ay pinaplano na rin ang pagkakaroon niya ng concert sooner than soon!





Comments