Dagdag-sahod sa mga nurse, ilalabas na
- Lourdes Abenales
- Nov 29, 2019
- 1 min read

Matatanggap na sa susunod na taon ng government nurses ang dagdag-sahod kapag walang naging aberya sa bicameral confeence committee.
Ito ang sinabi ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson matapos ipaglaban na maisingit sa Senate version ng P4.1-trillion ang probisyon na 2020 National Budget ang pagtaas sa Salary Grade 15 o P30,531 ang monthly base pay ng mga pampublikong nurse.
Ayon kay Lacson ipatutupad ang umento kapag naging final and executory na ang desisyon ng Korte Suprema.
Sa interpelasyon ni Lacson sa 2020 budget ng Department of Health, iginiit nito ang pangangailangan ng P3.1 bilyon para sa bagong salary grade ng government nurses.
“They don’t have to wait six months or another year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” ani Lacson.





Comments