2 taong kulong at multang P100 k sa magpa-pasabong sa kabayo
Dear Chief Acosta, Nagbakasyon kami sa probinsiya noong nakaraang buwan dahil piyesta. Nagulat ako sa isang palaro, ‘yung horse fights o sabong ng mga kabayo hanggang ang isa ay matumba o mamatay. Nais kong malaman kung may batas ba na nagbabawal sa ganitong klase ng palaro? — Carl
Dear Carl, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 10631 o “An Act Amending Certain Sections of RA 8485, otherwise known as “The Animal Welfare Act of 1998”. Nakasaad sa Section 2 ng batas na ito na:
“SEC 2. Section 6 of Republic Act No. 8485 is hereby amended to read as follows:
“Sec. 6. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate care, sustenance of shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horse fights, kill or cause or procure to be tortured or deprived of adequate care, sustenance or shelter or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare. x x x”
Samakatwid, itinuturing ng batas na pagmamaltrato ang horse fights at ipinagbabawal nito ang nasabing aktibidad.
Ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng pagkakakulong ng isang taon, anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon o multa sa halagang hindi hihigit sa P100, 000 kapag namatay ang nasabing hayop. [Section 9 (1].
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments