top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SEA Games, patapusin muna, saka na ang mga kapalpakan

Isko Moreno
Nov 28, 2019
1 min read

Mainit na usapin ngayon ang hindi natin pagiging handa sa pagho-host ng 30th Southeast Asian Games. Bagama’t, may punto at dapat mapanagot kung bakit ganito ang nangyari, marahil ay tingnan din natin ang pangkabuuan at hindi lang naka-focus sa iilan.

Totoo man na may mga nakaranas ng delay sa pagsundo, paghatid sa maling hotel, matinding trapik, kakulangan sa pagkain at hindi pa tapos na pasilidad, mas marami pa rin ang delegasyon na nakarating nang maayos sa kani-kanilang mga hotel at sports venues.

Sa totoo lang, normal ang mga ganitong insidente kahit sa ibang bansa ngunit, hindi dapat ito maging excuse para hindi mapanagot ang mga namahala at nag-organisa nito.

Wala namang mali sa kritisismo, ang sinasabi lang ng ilan ay sana huwag itong palakihin at tapusin na muna ang palaro bago ang katakut-takot na pagsisisihan.

Kaugnay nito, nagpahayag ang Senado na gagawa sila ng kaukulang imbestigasyon. Kahit ang Palasyo ay nagpahayag ng pagkadismaya sa mga pangyayari pero hindi ito ang panahon para magsisihan. Magtulungan muna tayo na mairaos ito. May sapat na oras at panahon upang mabigyan ng sagot ang karamihan sa mga tanong ng ating mga kababayan.

Naniniwala tayong hindi pa huli ang lahat at kaya pa nating ayusin ito dahil kung hindi ay masyado itong nakakahiya hindi lamang sa atin kundi maging sa mga karatig-bansa natin sa Southeast Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page