Preso, ni-rape ng pulis
- Levi Gonzales
- Nov 28, 2019
- 1 min read

Kinasuhan ang isang pulis matapos umano nitong pagsamantalahan ang babaeng preso sa Atimonan Municipal Police Station.
Pasado alas-11:15 ng umaga habang naliligo sa banyo ng pambabaeng selda ang biktimang si alyas Rosemae, 49, biyuda, may kasong pagnanakaw nang pasukin umano ng suspek na si PEMS Romulo Carpio, 45, may asawa, ng Bgy. San Rafael, Sto. Tomas, Batangas.
Nagsisigaw umano ang biktima saka isinumbong ang pulis sa mga opisyal ng himpilan. Agad dinisarmahan ang suspek at ipinasok sa selda.





Comments