top of page
Pokwang.jpg

Pogoy, may injury, out sa Gilas; Perez, in sa Pilipinas 3x3 Team

VA
Nov 28, 2019
2 min read

Nagbabantang mabawasan ng isang manlalaro ang Gilas Pilipinas, hindi pa man sila nakapagsisimulang sumabak sa idinaraos na 30th SEAG.

May posibilidad na hindi na makalaro si TNT guard Roger Pogoy para sa national men’s basketball squad dahil sa iniinda nitong injury sa likod. Ito ang malungkot na balita ni Gilas Team manager Gabby Cui kahapon ng umaga. Ayon sa isinagawang MRI sa 6-foot-2 guard, may namagang disc sa lumbosacral joint nito na nagiging sanhi ng iritasyon sa ugat na nagdudulot ng kirot na nararamdaman sa kanyang likod. Dahil dito ay pinayuhan si Pogoy ng mga doktor na magpahinga muna ng isang linggo hanggang sa maging maayos muli ang kanyang pakiramdam. Biglang nakaramdam ng pananakit ng likod si Pogoy bago matapos ang nakaraang laban ng TNT KaTropa sa q’finals ng PBA Governors’ Cup kontra Magnolia Hotshots noong Lunes.

Samantala, pamumunuan ng pangunahing rookie ngayon sa PBA na si CJ Perez ang Gilas Pilipinas 3x3 team na sasabak sa 2019 SEAG. Ito ang inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) nang ilabas nila ang final line-up ng national team noong Linggo ng gabi.

Bukod kay Perez ang iba pang miyembro ng 4-man squad ay sina Chris Newsome ng Meralco, Jayson Perkins ng Phoenix at Mo Tautuaa ng San Miguel Beer. Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong 2019 na magiging bahagi si Perez ng national team kasunod ng impresibong performance na ipinamalas niya sa nakaraang FIBA World Cup noong Setyembre.

Maglalaro sa unang pagkakataon at magiging kinatawan ng bansa sa international compétition sina Tautuaa, Newsome at Perkins. Ang mga hindi naman napabilang sa line-up ay sina Mac Belo ng Blackwater at Terrence Romeo ng San Miguel. Nauna ng naalis ang pool member na si Robert Bolick pagkaraan nitong magtamo ng punit sa arterior cruciate ligament ng kanyang kanang tuhod. Nakatakdang magsimula ang SEA Games 3x3 basketball competition sa Disyembre 1 sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page