top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pacman-Nesthy torchbearers Azkals, luhod sa Myanmar

  • A. Servinio
  • Nov 28, 2019
  • 1 min read

Dalawang Pinoy boxing champions ang magsisindi ng cauldron para sa opisyal na pagbubukas ng 2019 Southeast Asian Games.

Sina Manny Pacquiao at Nesthy Petecio na ang torchbearers sa opening ceremonies sa Sabado, Nob. 30, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino. Unang tinapik si Gymnastics world champion Carlos Yulo na magdadala ng sulo pero pinalitan dahil sasalang na siya sa aksiyon sa Dis. 1.

Samantala, natikman ng Philippine Young Azkals ang kanilang unang pagkabigo sa Men’s Football ng 30th Southeast Asian Game ng lumuhod sila sa Myanmar, 2-1, sa Rizal Memorial Stadium. Nahanap ng reserbang si Win Naing Thun ang goal sa ika-79 na minuto at kumapit ang mga bisita hanggang huling pito ng reperi.

Nasayang ang mahusay na ipinakita ng mga Pinoy sa second half kung saan mataas ang kanilang enerhiya at gana matapos itabla ni Justin Baas ang laban sa ika-45 bago ang dagdag tatlong minuto sa first half. Si defender Ang Kaung Mann ang unang naka-goal para sa Myanmar sa ika-16 minuto.

Dahil dito, mahalaga na manalo ang Young Azkals sa susunod na laro kontra sa Malaysia ngayong Biyernes simula 8 p.m. Walang laro kahapon ang mga Malaysian, ang silver medalist noong 2017, matapos silang magtabla sa Myanmar noong Lunes, 1-1. Tatapusin ng Pilipinas ang kanilang mga laro sa group stage kontra sa Timor Leste sa Dis. 4 sa Biñan Football Stadium. Ang unang dalawang bansa sa bawat grupo ang tutuloy sa semis sa Dis. 7.

Samantala, nagtabla ang Philippine Malditas at Myanmar, 0-0, sa simula ng kampanya sa Women’s Football Martes ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page