Mga bisita para iwas-trapik.. Walang pasok sa SEA Games
- V. Reyes
- Nov 28, 2019
- 1 min read

Photo: pna.gov.ph (left)
Inihihirit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pagsuspinde ng klase sa Metro Manila para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsadang dadaanan ng mga delegado ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sa ganung paraan, mababawasan ang mga sasakyan na makatutulong umano para makarating sa tamang oras ang mga atleta at iba pang delegado sa mga venue ng palaro.
Una nang nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang ilang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila dahil sa idaraos na 30th Southeast Asian Games sa bansa simula sa Nobyembre 30. Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ay ang: Arellano Law School – Dec. 2-7; St. Scholastica’s College – Dec. 2-7; St. Paul College Pasig – Dec. 2-6 at St. Pedro Poveda College – Dec. 2-6.
Batay sa mga nag-oorganisa ng SEA Games, may 19 na lugar sa Metro Manila ang magsisilbing mga official venue ng pandaigdigang palaro.
May mga kalsada ang inaasahang ipasasara upang bigyang-daan ang mga aktibidad.





Comments