Kumpara raw sa ibang bansa.. ‘Pinas, mas ready sa SEA Games

Ipinagmalaki ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi hamak na mas maganda pa rin ang preparasyon ng Pilipinas sa pagho-host ng Southeast Asian Games kumpara sa mga bansa na nag-host na nito.
Aniya, ilang beses na siyang nakalahok bilang atleta sa SEA Games noong 1970s kung saan pinabayaan sila ng host country noon dahil gusto na matalo sila sa kompetisyon; sa kabila nito, palagi silang nakakukuha ng medalyang ginto.
Sinabi pa ni Sotto na kung tutuusin, ang Pilipinas ang napakagaling na host dahil sobra tayong hospitable.
Naniniwala rin si Sotto na ang kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpapalaki ng isyu sa SEA Games. Sinisi rin ni Sotto ang social media na binibigyan ng importansiya ang kasiraan sa SEA Games sa halip na ang suporta sa mga atleta.
Iginiit din ng senador na hindi obligasyon ng host country na pakainin ang mga dayuhang participant. Inihalimbawa pa ni Sotto na noong lumahok sila sa SEA Games, sagot nila ang lahat ng gastos.





Comments