top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Jueteng sa Albay, stop na, sa Cavite, go, go, go pa rin!

  • Pabs Hernandez III
  • Nov 28, 2019
  • 2 min read

RAFFY TULFO, HINDI MATAAS ANG ERE, KAPAG NAGKAMALI NAGSO-SORRY—Masakit sa loob ng lola ng estudyante na pinalabas sa klase ang kanyang apo dahil hindi nito agad naisauli ang kanyang card. Kaya, inireklamo niya sa “Raffy Tulfo in Action” ang guro ng kanyang apo at dahil pakiramdam ni Raffy Tulfo ay naapi ang bata, pinapili agad niya ang guro kung kakasuhan ito ng child abuse o magre-resign ito. Ang pinili ng guro ay mag-resign.

Kaugnay nito, todo-todong batikos ang inabot ni Tulfo dahil hindi raw dapat pinag-resign ang guro at nang mapagtantong nagkamali, humingi siya (Tulfo) ng paumanhin.

‘Yan ang kagandahan kay Raffy Tulfo, hindi mataas ang ere, kapag alam niyang nagkamali siya ay nagso-sorry ito, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAVITE, ‘NGANGA’ SA JUETENG NI ‘ARIZA’—Sa Albay umano nagpapa-jueteng sina “Don Ramon” at “Jun Moriones” at nang malaman ng Sangguniang Panlalawigan na niraraket ng mga ilegalista ang kanilang mga kababayan ay gumawa sila ng resolusyon at hiniling kay PD Col. Wilson Asueta na ipatigil ito (jueteng) na agad namang inaksiyunan ng police official, kaya sa ngayon ay stop na ang jueteng sa probinsiyang ito.

Mabuti pa ang Sangguniang Panlalawigan sa Albay gumawa ng aksiyon laban sa jueteng, pero ang Sangguniang Panlalawigan sa Cavite, hanggang ngayon ay “nganga” lang sa raket na jueteng ni “Ariza”, mga buwisit!

◘◘◘

BAGONG PD NG CAVITE, UMAKSIYON SA TUPADA, UMAKSIYON DIN KAYA SA JUETENG? —Bago na ang police provincial director ng Cavite at siya ay si Col. Marlon Santos, pagkaupo pa lang niya sa puwesto ay ipina-raid agad niya ang tupadahan sa bayan ng Imus.

Tingnan natin kung kaya rin ipa-raid ni Col. Santos ang raket na jueteng ni “Ariza” na protektado raw ng Davao Group, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page