Delay na budget sa SEA Games at cheap na pagkain, kasalanan ni Drilon
Usap-usapan pa rin ang SEA Games na ginaganap ngayon sa bansa.
Ito ay kahit idiniskaril ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatibay ng 2020 National Budget.
Isiningit kasi niya ang ‘fake news’ sa SEA Games!
◘◘◘
KINATIGAN ng mga netizens ang posisyon ni Deputy Speaker Mikee Romero laban sa pambabalam ni Drilon sa proseso ng budget.
Miyembro ng Philippine Polo Team si Romero na lumalaban sa SEA Games at nakapagtala na sila ng panalo.
Kongrats po!
◘◘◘
SI Drilon mismo ang tumapyas ng P2 bilyon sa pondo ng SEA Games na umaabot sa P9.5 bilyon nang talakayin ito sa Senado.
Noong Mayo lamang naaprub ang pondo para sa SEA Games dahil naantala ito ng 4 na buwan dahil sa iringan ng mga mambabatas!
◘◘◘
KUNG naaprub noong Enero 2019 ang badyet, marami sanang nagawa ang mga organizers tulad ng konstruksiyon sa mga venues, paghahanda sa pagkain at kung anu-ano pa.
Kailangang sumunod ang mga organizers sa mga bidding at procurement process ng DBM na naaayon sa batas!
◘◘◘
HINDI pa siguro nakuntento si Drilon dahil kamakailan lang ay ang cauldron ng SEA Games sa New Clark City ang kanyang pinagdiskitahan.
Kinuwestiyon nito ang ‘milyones’ na iginugol sa istruktura na magsisilbing pailaw hanggang sa matapos ang sports event!
◘◘◘
ANG masaklap, tinawag nitong ‘kaldero’ ang huling obra ng National Artist na si Francisco “Bobby” Mañosa.
Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga tao kung pinupulitika ni Drilon ang palaro!
◘◘◘
NAKURYENTE si Drilon nang akusahan niya si BCDA President Vince Dizon na manugang ni Mañosa na siyang nagdisenyo sa cauldron.
‘Yun, kara-karakang nag-sorry kay Dizon si Drilon!
◘◘◘
SABIHIN na nating may mga aberya sa pagkain, transportasyon at accommodation ng mga atleta.
Pero ‘yan ay nararanasan kahit saang international competition.
Pananagutan ‘yan ng catering services sa mga organizers!
◘◘◘
DAPAT nang tigilan ang batikusan at paninira.
Napapansin at naaalerto na rin ang mga dayuhan at turista sa masamang ugali ng mga Pinoy.
Mayroon pa ring mga inggitero’t inggitera.
He-he-he!





Comments