top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 usec, P100 k kada buwan ang tinatanggap na lagay para sa ilegal na pasugalan

Pasaway Spotted
Nov 28, 2019
3 min read

Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Sino ang dalawang opisyal ng gobyerno na kapwa spotted na sa sobrang pasaway, nais na silang ‘itsismis’ ni Mr. Under Secretary “A” sa dating personal aide ng pangulo para maihatid ang ‘tsika’ kay PRRD? Ito ang katanungan ni Mang Kanor na may alagang haliparot na bubuyog.

Parehong presidential appointees sa posisyon bilang

undersecretary ang dalawang gustong ipasibak kay PRRD dahil unti-unti na umanong nahuhubaran at nailalantad ang ginagawang anomalya at korupsiyon sa kanilang mga ahensiya.

Imbiyerna to the max na si Mr. Under Secretary “A” na may lahing “Intsik” sa kabalbalang ginagawa ng kalahi nitong si Mr. Under Secretary “B” at ni Mr. Under Secretary “C” na may apelyidong katunog naman ng mabagsik na uri ng hayop na nabubuhay noong panahon ng “Jurassic”, dahil ginagamit ng mga mokong ang kanilang ahensiya sa unti-unting pagpapalaman, este, pagpapayaman sa kanilang sarili na ayaw mag-share your blessings sa madla. He-he-he! Iba rin dumiskarte ang mga ito, masyadong mababaw!

Ang aga ng inyong pamasko dahil may grupo ng ‘Senta Klews’ ang nagpuno ng kuwarta sa inyong mga bulsa! Huwaw! Ho-ho-ho!

Ibinulong sa atin ng haliparot na bubuyog na alaga ni Mang Kanor na nakarating sa kaalaman ni Mr. Usec. “A”, na tinarakan, este, “tinarahan” na sina Mr. Usec. “B” at Mr. Usec. “C” ng organisasyon o grupo ng mga ilegalista para lamang makipagpulong, huntahan, landian at higit sa lahat ay makipag-”selfie” sa dalawa na siyang gagamitin naman ng grupo bilang panangga sa mga awtoridad para hindi sila galawin o hulihin kapalit ng P100,000 buwanang tara!

Sa mga masusugid na suki ni Mang Kanor, P100,000 kada buwan ang “lagay” ng grupo ng mga ilegalista sa dalawang mokong na opisyales ng gobyerno. Korekek!

Parang hindi akma ang mga katagang namutawi sa bunganga, este, sa bibig ni Mr. Usec. “C” na “ang sugal ay bawal, ito ay ilegal”, pero for show lang pala ‘yown, eh, anang Batangueñong si Mang Kanor!

Ang siste, basta maglatag na lang kung saan sila maglalatag ng operasyon matapos malagyan ng pampagana si Mr. Usec. “C” na siyang pinanghahawakan ngayon ng lakas ng loob ng grupo ng sindikato.

Ang pagpupulong ng grupong ilegalista kay Mr. Usec. “C” ay isinagawa sa mismong “tanggapan” nito sa Quezon City at sa parte naman ni Mr. Usec. “B” ay isinagawa sa isang kilalang restoran sa parehong lungsod.

Bulong ni Mang Kanor sa kanyang alagang haliparot na bubuyog, matapos ang pagmamakaawa ng grupong ilegalista sa dalawa na sila ay “palayain” sa kanilang ilegal na operasyon ng pasugalan kapalit ng P100,000 buwanang tara ay nagkasundo ang mga ito at nag-”groupie” na sabay ang “Duterte fist sign” pa!

Ang grupong ito, bulong ni Mang Kanor, na may alagang haliparot na bubuyog na kung saan-saan humahagilap ng tsismis ay kinabibilangan ng mga negosyanteng naglalatag ng iba’t ibang ilegal na pasugalan sa bahagi ng Gitnang Luzon na sakop ng kapangyarihan ni Police Brig. General Rhodel Sermonia; sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na hawak naman ni Police Brig. General Vicente Danao, Jr. at maging sa malayong lugar tulad ng Pangasinan at Baguio na toka naman ni Police Brig. General Joel Orduna.

Ang magagaling at respetadong police generals na ating binanggit ay nililinaw nating walang alam sa ginagawang kabalbalan ng ilegalistang grupong ito na talamak sa “lagayan” ng tara ang bawat kupitan, este, kapitan, municipal at provincial police directors sa mga lugar na naibulong sa atin ni Mang Kanor, kapalit ng malayang operasyon ng talamak na ilegal na pasugalan.

At kung sakali mang malaman ng mga heneral sa pamamagitan ng kolum na ito ang lantarang illegal operation ng sugal sa kanilang area of responsibility ay tiyak alam na nila kung ano ang nararapat nilang aksiyon.

Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page