Solusyon sa oil smuggling.. Fuel marking umabot na sa Mindanao

Photo: Bureau of Customs
Nakarating na sa Mindanao ang isinasagawang nationwide roll-out ng Fuel Marking Program ng pamahalaan sa pagsisimula ng marking ng may 60 milyong litro ng diesel fuel sa Northern Mindanao Import Facility na minamantina ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa Cagayan de Oro noong November 24.
Ang naturang marking, na unang isinagawa ng Pilipinas Shell ay sinaksihan ng mga opisyal ng Bureau of Customs at mga kinatawan mula sa project contractor na SGS-SICPA.
Sinundan ito ng preliminary inspection sa Davao Terminals ng Phoenix Petroleum at Insular Oil ng Department of Finance, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Budget and Management.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o ang TRAIN Law, ang mga petroleum product na refined, manufactured o inangkat ng Pilipinas ngunit, hindi limitado sa unleaded premium gasoline, kerosene at diesel fuel ay kailangang lagyan ng official marking agent matapos makapagbayad ng taxes and duties.
Pagsapit ng Feb. 3, 2020, lahat ng gasoline, diesel at kerosene na inire-retail sa bansa ay inaasahang namarkahan nang lahat. Nabatid na layunin ng fuel marking activity ng pamahalaan na sugpuin ang oil smuggling sa bansa.





Comments