top of page
Pokwang.jpg

Mga maaangal, cheering materials sa SEAG, bawal!

MC / VA
Nov 27, 2019
2 min read

Hindi lugar ang mga sporting event ng Southeast Asian Games para sa mga maaangal na manonood at mga nagpoprotesta. Iyan ang mahigpit na babala ng Philippine National Police (PNP) sa mga nais na manood ng 30th biennial meet na kung maaari ay iwasan ang magdala ng mga cheering materials na nagsasaad ng pang-iinsulto o lumalabas ang pagiging ‘racist.’

Unang-unang iiwasan na mangyari ng mga awtoridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay ang magkaroon ng tensyon lalo na sa mga fans at players na hindi naman dapat mangyari sa personal dahil na rin sa mga samut’ saring bangayan ngayon sa social media.

Wala ring puwang para sa sports media lalo na sa Tabloids Organization in Philippine Sports o TOPS na binubuo ng mga pangunahing tabloids sa bansa, una na rito ang BULGAR at sa mga delegado ng Pilipinas na patulan ang mga negatibong lumalabas na isyu na tila estatehiya lang din ng mga katunggaling bansa upang masira ang mga diskarte ng Pinoy athletes sa bawat laban na susuungin nila. Sa halip ay magpokus ang lahat sa kompetisyon at iwaksi ang negatibong isyu.

Bukod sa mga ipinagbabawal na matatalas na bagay at nakamamatay na gamit sa mga sporting events na una nating inilathala ng BULGAR bilang paalala ay nakahanda rin si NCRPO Director PBGen. Debold Sinas nang magsalita sa BomboRadyo sa naturang seguridad lalo na’t mataas ang emosyon ngayon sa kompetisyon na maaring pagmulan ng gusot.

Pinakikiusap naman ng pamunuan ng PNP sa mga manonod sa SEAG na iwan na lamang sa social media ang mga angal, sa halip ay makiisa na lang sa organizers ng event at sa kapulisan na bubuuin ng mga anti-riot police.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page