top of page

Kampanya sa pang-aabuso sa kababaihan, suportahan

  • Nancy Binay
  • Nov 27, 2019
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Noong November 25, idinaos ang komemorasyon ng International Day for the Elimination of Violence Against Women.

Ayon sa tala ng World Health Organization (WHO), 1 sa 3 kababaihan (35%) worldwide ang nakararanas pa rin ng physical at/o sexual violence.

Sa Pilipinas, ayon sa National Demographic Health Survey 2017 ng Philippine Statistics Authority, 1 sa 4 Pinay na may edad 15 hanggang 49 ang nakararanas ng pisikal, emosyunal at sexual na pang-aabuso mula sa kanilang asawa o partner.

Malinaw sa datos na ito na laganap pa rin ang karahasan laban sa kababaihan.

Suportado natin ang 18-Day Campaign to End VAW at ang tema nitong, “VAW-free community starts with Me,” na siyang tema mula 2016 hanggang 2021.

Ang layunin ng kampanyang ito ay para pataasin ang kamalayan ng madla tungkol sa VAW; magbigay ng impormasyon tungkol sa mga batas na pumoprotekta sa kababaihan; mag-feature ng mga VAW-related services na magagamit ng mga tao at para mangalap ng suporta para sa kampanya.

Sa ating palagay, maganda rin sigurong tanungin natin ang ating sarili kung ano ang maaari nating gawin para lipulin ang karahasan laban sa kababaihan, ‘ika nga, “small acts of kindness is key.” Maging commitment sana natin ito to Be Nice everyday. This, I believe, is the antidote to violence.

◘◘◘

GODSPEED at good luck sa ating mga atletang sasabak sa 30th Southeast Asian Games!

Ipinagmamalaki ng buong bansa ang lahat ng inyong sakripisyo. Natutuwa tayo na sa kabila ng mga hamon at distraction, nakatuon pa rin ang focus ninyo sa pagpapamalas sa kung sino at ano ang kayang abutin ng mga atletang Pinoy.

You inspire every Filipino and I couldn’t be more proud to see all of you competing with vigor, dignity and grace and seeing all of you getting the gold.

Mabuhay kayong lahat!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page