Kahit alam na si Dennis ang BF ng aktres… Coco at Jennylyn, todo-holding hands sa harap ng madlang p
- Nitz Miralles
- Nov 27, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Nagsimula na ang mall show nina Coco Martin at Jennylyn Mercado to promote their MMFF entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at nakakatuwa dahil game sa pagkanta ang aktor. Ang theme song ng nabanggit na pelikula ang kinanta ng dalawa na magka-holding hands pa.
Comment netizens, marunong palang kumanta si Coco at game mag-perform.
Makikita sa video ang maraming tao sa mga mall na kanilang pinuntahan at kung papaano alalayan ni Coco si Jennylyn.
Kinilig ang fans sa sweetness ng dalawa at pinansin na hanggang matapos ang song, magka-holding hands pa rin.
Hindi lang sina Jennylyn at Ai-Ai delas Alas ang Kapuso na kasama sa pelikula dahil nasa cast din si Super Tekla.
In fairness kay Coco, kasama sa poster at trailer si Super Tekla at nakakatawa ang eksena nito.





Comments