Dahil sa BF… Alex, ipina-tulfo ang madir

Maraming netizens ang hindi makapaniwala nang sadyain ni Alex Gonzaga ang programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang sariling ina na si Mommy Pinty Gonzaga.
Diumano’y sobrang higpit daw ni Mommy Pinty at ayaw pa siyang payagan na makipag-date nang solo sa boyfriend niya. Nasa tamang edad na naman daw sila pareho ng kanyang BF kaya dapat ay bigyan na siya ng freedom sa kanyang love life.
Ang katwiran ni Mommy Pinty, eh, bilang magulang, pinoprotektahan lang niya si Alex. Kapag nagpakasal na raw ito sa BF, puwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya. Kaya hayun, si Mommy Pinty ang kinampihan ni Raffy Tulfo.
Ibang klase rin naman itong si Alex, sariling ina ay ipina-Tulfo pa!
Tiyak daw na gagamitin lang ni Alex na materyales sa kanyang vlog ang pagsusumbong kay Raffy Tulfo. Kontrobersiyal at “man of the hour” kasi ngayon si Raffy dahil sa isyu ng pagpapatanggal niya sa isang guro sa serbisyo dahil lang sa sumbong ng lola at magulang ng isang estudyante.





Comments