3 yrs. old nagulungan ng van, dedbol
Levi Gonzales
Nov 27, 2019
1 min read

Dedo ang 3-anyos na lalaki matapos magulungan ng van sa Bgy. Tagbakin, Atimonan, Quezon.
Alas-2:30 ng hapon, habang nasa terminal ng bus ang Toyota Hi-Ace nang paandarin ng suspek na si Mark Anthony Avelladres, 25, ng Diversion Ibaba.
Hindi umano nito napansin ang biktimang paslit na nakatayo sa unahan ng sasakyan nito.
Pumailalim ang biktima saka nagulungan.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang bata habang sumuko naman ang driver sa pulisya.





Comments