top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SEA Games, suportahan hindi dapat siraan ng mismong mga Pinoy!

  • Ka Ambo
  • Nov 26, 2019
  • 1 min read

Nababoy nang todo ang social media.

Hindi mapigil ang pag-post ng pekeng impormasyon!

◘◘◘

NILINAW mismo ng Century Park Hotel na may sapat silang room accommodation sa mga dayuhang atleta.

Napaaga ang pagdating ng ilang foreign athletes kaya nakatulog sila sa paghihintay sa nakatokang silid.

‘Yun, piniktyuran at ikinalat ng mga lokong blogger ang larawan sa social media!

◘◘◘

HINDI naman pala pinabayaan ng hotel ang mga manlalaro dahil alas-2:00 pa talaga ng hapon ang standard check-in time.

Gayunman, alas-8:30 pa lang ng umaga ay nabigyan na ng kuwarto ang ibang manlalaro at ang iba naman ay inestima sa holding area at doon sinilbihan ng pagkain!

◘◘◘

SA nakaraang dalawang araw, sa 77 arrivals ng mga atleta, nagkaroon man ng problema ang ibang delegado, hindi ibig sabihin na palpak na ang buong paghahanda sa SEA Games.

Hindi biro ang mag-host ng international sports events.

Normal lang na magkaroon ng aberya sa ganitong kalawak na torneo!

◘◘◘

MAS mahalagang suportahan ang mga atleta na kalahok sa SEA Games. Target ng Pilipinas na makopo ang overall medal tally.

‘Yan ang isyu na dapat ikinakalat sa social media, imbes na ang aberya o mapanirang istorya!

◘◘◘

ANG pagdaraos ng 30th SEA Games ay karangalan ng buong bayan.

Ang simpleng problema ng akomodasyon, pagkain at iskedyul o transportasyon ay karaniwan lang sa alinmang kompetisyon!

◘◘◘

SA halip na magbatikusan tayong lahat, ituon na lamang natin ang ating atensiyon sa pagpalakpak sa ating mga manlalaro kahit anuman ang kanilang kahinatnan.

Kumbaga, isports lang palagi.

Walang hasel!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page