Mag-asawang british at Pinay, nasagip sa ASG

Nailigtas ng mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion ng Philippine Army ang isang British national at kanyang misis na Pinay na unang dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.
Narekober ng militar ang mag-asawang Allan Arthur Hyron at Welma Paglinawan-Hyron pasado alas-8:00 kahapon ng umaga matapos ang tatlong araw na magkakasunod na opensiba at pagtugis laban sa mga terorista sa bahagi ng Bgy. Silangkan at Taha sa bayan ng Parang.
Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, anim na ASG members ang napatay sa kasagsagan ng kanilang rescue operations sa bulubundukin ng Mt. Piahan.
Kabilang sa mga nalagas mula sa panig ng Abu Sayyaf ang kanilang sub-leader na si Sibih Pisih, ang itinuturing na trusted man nina ASG Supreme Commanders Radullan Sahiron at Roger Sajih. Oktubre 4, 2019 nang dukutin ng ASG ang mag-asawa habang ang mga ito ay nasa kanilang resort sa Tukuran, Zamboanga del Sur. Nakita ang mag-asawa na nakaabandona malapit sa encounter site.





Comments