Ken, 'di nakatiis, nagsalita na rin… Rita, sumikat lang, sumama na ang ugali, inirereklamo ng st
- Erlinda Rapadas
- Nov 26, 2019
- 1 min read

To the rescue at todo-depensa si Ken Chan sa ka-love team niyang si Rita Daniela na may isyu raw ngayon sa production staff ng One of the Baes.
May mga tsikang umiikot na diumano’y may attitude na raw si Rita simula nang sumikat ang love team nila ni Ken at magkaroon sila ng iba pang shows.
Depensa ni Ken (Grant sa OOTB), hindi niya kinakitaan ng pagbabago si Jowa (Rita) at hindi totoo na may reklamo ang staff ng GMA-7 serye sa kanyang ka-love team. Araw-araw silang magkasama at alam na alam na raw niya ang ugali ni Rita.
Paliwanag naman ni Rita, maaaring na-misinterpret lang ng iba ang ikinikilos niya lalo na kapag siya ay pagod at wala sa mood, pero para silang pamilya sa teyping ng OOTB.





Comments