Inireklamong guro, pinag-resign.. Resbak ng mga titser kay Tulfo: Hindi ka diyos!
- Mylene Alfonso
- Nov 26, 2019
- 1 min read

Photo: raffytulfoinaction (right)
Kinondena kahapon ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang ginawang ‘trial by publicity’ sa isang guro ng hard hitting journalist sa kanyang episode sa Raffy Tulfo in Action noong Nobyembre 21.
“Hindi ka Diyos, hindi ka awtoridad at hindi ka PRC, mayroong tanggapan na dapat dumisiplina sa isang guro kung nagkamali. Ginagawa namin ang lahat para maturuan at madisiplina ang mga bata,” ayon sa ACT.
Nabatid na ala-1:00 ng hapon nang magsimulang dumagsa ang mga guro sa Liwasang Bonifacio para humingi ng hustisya sa ginawang panghihiya ni Tulfo kay Teacher Melita Limjuco.
Kinondena ng grupo ang ginawang harassment at nanawagan ng due process para sa proteksiyon ng mga guro.
Samantala, inamin naman ni Tulfo na nagkaroon siya ng sablay sa ginawa niya sa guro.
Sinabi nito na hindi na niya itutuloy ang panawagan niya na pagbitiwin ang guro dahil sa ginawa niya sa estudyante. Gayunman, sinabi ni Tulfo na hindi siya titigil para proteksiyunan ang mga bata.





Comments