top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bilang ng tambay, pataas nang pataas sa dami ng choosy sa trabaho

  • Ryan B. Sison
  • Nov 26, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Sa kabila ng mga job fair na isinagawa ng gobyerno kamakailan, marami pa ring Pinoy ang walang trabaho. Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 10 milyong Pinoy ang walang trabaho sa 3rd quarter ngayong 2019.

Napag-alaman na umakyat sa 21.5% ang unemployment rate mula sa dating 20.7% noong June at 19.7% noong March ng taong ito.

Gayunman, sa 21.5%, 9.5% nito ay nagsabi na kusa silang nagbitiw sa trabaho; 8.4% ang na-retrench; 2.7 milyon ang natapos na ang kontrata; 1.6 milyon ang unang beses pa lang naghahanap ng trabaho; 621,000 ang nagsara na ang pinapasukan at 596,000 ang natanggal sa trabaho.

Naging hati ang opinyon ng taumbayan sa kung sino ang dapat sisihin sa pagtaas ng unemployment rate sa bansa.

May mga naniniwala na ito ay dahil sa ‘endo’ na hanggang ngayon ay nagpapatuloy at may nagsasabi na dahil ito sa pagiging mapili sa trabaho ng ating mga kababayan.

‘Yung tipong natanggap naman sa trabaho, pero kapag nalaman kung magkano ang suweldo, umuurong kaya ang ending, nganga at walang maipakain sa pamilya.

May ilan ding nagsasabi na ito ay dahil maraming foreign workers sa bansa kaya ang mga Pinoy ang nagdurusa dahil ang trabaho na para sa kanila ay napupunta sa iba.

Samantala, isinisisi ito ng iba sa mga employer na masyadong mapili pagdating sa edad kahit may sapat na skills ang aplikante.

Dahil alam natin na maraming Pinoy ang walang trabaho, huwag na tayong magsisihan at magtulungan na lang. Para sa mga kababayan nating aplikante, huwag lang suweldo ang ikonsidera dahil sa totoo lang, maraming empleyado ang nagsimula sa mababang suweldo.

Gayundin, tandaan natin na walang madaling trabaho kaya kailangan nating magsikap bago kumita ng pera.

Panawagan naman sa mga employer, naiintindihan natin na kailangan n’yong maging mapili sa mga tatanggaping trabaho, pero bigyan naman sana ng tsansa ang mga aplikante, anuman ang kanilang edad at kapasidad.

Ang kawalan ng trabaho ng mga Pinoy ay hindi dapat isisi lang sa pamahalaan dahil tayo pa rin ang nagdedesisyon kung tatanggapin o dededmahin ang trabahong nasa harap natin.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page