Aberya ‘wag na raw palakihin.. Mga Pinoy dapat todo-suporta sa SEA Games
- Mylene Alfonso
- Nov 26, 2019
- 1 min read

Dapat umanong magkaisa at suportahan na lang ng mga Pinoy ang mga organizers ng Sea Games sa halip na magbato ng dumi at magsisihan.
Ito ay matapos na humingi na ng paumanhin ang mga nag-organisa dahil sa hindi naiwasang logistical problems na naranasan ng ilang Sea Games participants.
Nilinaw din na hindi kasalanan ng komite o ng mga hotel ang aberya sa accommodation. Ayon sa Century Park Hotel Manila, ang mga detalye ng nabagong time of arrival ng football team ay late na naipaalam sa mga organizers.
Noong mga nakaraang araw, 75 international arrivals ng mga Sea Games participants kasama na ang technical officials at representatives ng kanilang National Olympic Committee ang maayos umanong naidaos nang walang problema.
Mas mabigat umano ang problema na kinaharap ng mga atleta noong 2017 Sea Games sa Malaysia kung saan may mga insidente ng food poisoning, banggaan o aksidente ng sasakyan na may lulan ng mga atleta, pagnanakaw, delayed trips at controversial decisions ng mga referee. Gayunman, ang lahat ng ito ay hindi umano pinalaki sa social media o sa traditional media.





Comments