Yorme Isko, no. 1 sa socmed, pero tagilid pa rin sa pagka-pangulo
Malakas ang ‘appeal’ ni Mayor Isko bilang presidentiable sa 2022.
Mahihirapan ang kanyang mga karibal!
◘◘◘
BIGATING aspirante ang mga LGU executives tungo sa Malacañang.
Simulan ito noon ni ex-P-Ramon Magsaysay na unang naging gobernador ng Zambales!
◘◘◘
PINAKAHULING LGU chief ay si P-Digong.
Sinilat ni P-Digong ang mga liyamadong sina Mayor Jojo Binay, Sen. Grace Poe at Mar Roxas!
◘◘◘
NAUNA rito, nagwagi bilang bise-president si Mayor Binay.
Pero, dehado siya at sorpresang tinalo si Mar Roxas sa vice-presidential race noong 2010 election!
◘◘◘
DEHADO rin si P-Digong pero na-upset niya ang nasa unahan ng presidential survey na sina Poe, Roxas at Binay.
Palaging dehado ang mga LGU executives kasi nakokopo ng mga national political figures ang media exposure!
◘◘◘
MAY malaking pagbabago ang magaganap sa 2022 election dahil sa papel na ginagampanan ng modernisasyon.
Isa nang ‘indispensable component’ ang social media!
◘◘◘
MAY paniniwala tayo, taliwas sa nagdaang mga presidential race, hindi na magiging dehado ang LGU chief na si Mayor Isko.
Bagkus, si Mayor Isko ay siyang magiging pinakaliyamado sa karera patungo sa Malacañang!
◘◘◘
MALINAW na magiging No.1 presidentiable si Mayor Isko sa mga survey.
‘Yan ay dahil nakababad siya sa social media at traditional media arena!
◘◘◘
GAYUNMAN, ang llamado ay hindi garantiya ng pagwawagi.
No. 1 sa survey si Binay, 18 buwan bago ang eleksiyon noong 2016.
No.1 din si ex-VP Noli de Castro sa survey sa loob halos ng apat na taon bago ang aktuwal na 2010 election.
Pero nang maggirian, hindi man lang naging nominado o kandidato sa pagka-pangulo ang brodkaster!
◘◘◘
ANG pagiging liyamado sa survey ay may malaking pressure — sa loob at labas ng kanilang kampo.
Tulad ng gravity — ang pinakamabigat ay mas mabilis na mapabagsak kaysa sa mahihina!
◘◘◘
DAPAT matuto si Mayor Isko sa kasaysayan ng politika.
Unang naging no.1 sa survey sa presidentiable ang dating mayor ng Maynila na si Arsenio Lacson!
◘◘◘
NAKAKALUNGKOT, binawian siya ng buhay bago ang buwelo sa presidential race.
Yumao siya sa kandungan ng popular at batikang aktres!
◘◘◘
MAY showbiz component ang personalidad ni Lacson dahil sa kanyang kapareha.
Showbiz na showbiz naman si Yorme Isko dahil sa kanyang propesyon!





Comments